"...HIndi ko naman talaga hiniling ang bagay na'to eh....dumating na lang 'to ng basta basta...sa paraang hindi ko inaasahan..."
AAAHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!
Sigaw ko bandang tanghali sa araw ng pasko. Ayon na sobrang blurred na ng paningin ko at maya-maya mutas have invaded my eyes....Ewan ko ba pero paanong nangyaring nagkasore eyes ako eh kagabi lang nilagyan ko ng alcohol ang paligid ng aking mga mata upang hindi ako mahawa sa epidemyang nasa loob ng aming simbahan pero eto parin ang nangyari....
Napaisip din ako, baka ang virus kumakalat din sa internet...Kasi lumabas ang sintomas ng sore eyes matapos akong magreply sa post ni direk na nagkasore eyes na siya, tapos mayamaya ako na naman ang na bull's eye ng sore eyes. Nakakatuwa man pero nakakalungkot din, kasi hindi naman ito 'yung hiniling ko.
Anyway kahit sabi nila ang Dec. 25 ang araw ng pasko, hindi ako naniniwala, kasi sa pagkakaalam ko maraming
Pero one thing is certain, na December 25 ang kaarawan ni Shock Trooper na kilala sa tawag na "junjoni"---ang jr. ng aming pastor na parang stuffed toy sa kakyutan...hahahaha......
Nag-enjoy talaga ako sa bulaklak sa gitna ng cake niya
...hindi ko na matandaan kung umiikot ba 'yung candle o hindi basta natuwa ako kasi may music na "Happy Birthday"...:))
Too much for that let's go back to the sore eyes issue, kahit natuwa ako sa flower, 'di ko parin masyadong feel ang birthday ni kuya oni, kasi masyadong madilim ang paligid dahil sa suot kung shades (courtesy of Ate Sybil) to protect my eyes sa hangin sa paligid, at isa pang nakakainis eh umiiwas ang lahat ng tao sa akin sa takot na mahawa din sila...nakakaiyak, nakakafrustrate at nakakainis kasi para akong may HIV sa ginagawa nila....(para silang hindi christians...hindi bagay sa kanila ang maging missionaries, eh sore eyes lang nahihirapan na silang lumapit ano pa kaya kung pumunta sila ng Africa at makita ang mga batang may AIDS? nagpapalabas lang ako ng saloobin..hmf)
Isa pa pagkatapos kumain nagrun through pa kami para sa repeat concert kinabukasan...huhuhuhu, napakaworst talaga ng ginawa ko, ang pangit ng boses ko at hindi ko magawang abutin ang mga nota
Pagkarinig ng sinabi ni Manong, biglang nagprocess ang brain cells ko ang naglagay ng ngiti sa aking mga labi ang nabuong statement sa loob ng utak ko...nakapagpahinga kaya siya sa labas sa dami ng lamok, same lang 'yun sa labas o sa loob di parin siya makapagpapahinga....(devil laugh vibrates inside my brain)....Wala lang natawa lang ako sa thought kong 'yon...anyway may sense naman diba?
Pero ang nakakalungkot sa lahat ay hindi natupad ang wish ko sa pasko..."ANG MAGKAROON NG KUYA KAHIT FOR ONE DAY LANG.."....lately kasi I realized na ang kailangan ko ay isang kuya na laging magpapasaya sa akin despite of my hatred to my father (
Natapos ang December 25 na walang kuyang dumating at walang healing of sore eyes, pero busog naman akong umuwi sa bahay..so naisip kong instead na tawaging nemesis ang sore eyes ko, tatawagin ko nalang itong "kuya" at least may dumating parin..:))
SORE EYES!!!!! |
DECEMBER 25--Gabi na'to pero may shades parin ako...:'( |
(P.S. I realized that children are better than adults in dealing with some kind of sickness, 'cause as far as I could remember when I was in grade three and I got a sore eyes, instead of seeing my classmates going away from me, they would get closer to me and suggest different kinds of remedy and offer me something to cheer me up, making me feel like I'm not having my sore eyes...)
2 komento:
naku sore eyes, kaaway ko yan, grrrrr!
napakalaking traydor talaga nyan, anyway
sana gumaling na yang sore eyes mo
God Bless and Happy New Year
:)
..hehehe.actually malapit nang mawala ang sore eyes....(malapit nang mawala si Kuya)..
God Bless din sa'yo at Happy New yEAR, thanks for dropping by..:))
Mag-post ng isang Komento