"Mga rason kung bakit badtrip ako sa bisperas ng pasko..."
Ngayong araw na ito nagkaroon kami ng polishing ng mga sayaw (i.e. LOse my Soul, Glam) at wala ako sa mood....bakit? kung interesado ka talagang malaman basahin mo ang mga sumusunod....pagkatapos mong basahin 'wag mong ipagsasabi kahit kanino......
- Inaantok ako dahil kulang ang tulog ko...(sinong hindi aantukin, eh nagising ako kaninang madaling araw dahil sa bunsong kapatid ko na masyadong malikot at nagtatakbo sa higaan namin dahil nakakita siya ng tatlong malalaking ipis sa kuwarto namin...grrrr).
- Talagang mababadtrip ako kasi masyadong strict ang director namin sa repeat concert na kahit konting pikit lang ng mata pagagalitan kana...(gusto ko na talagang umiyak kanina...gusto ko na kasing matulog ng over2)
- Bisperas na bisperas ng pasko wala pa sa sampu ang natatapos kong machine problems. (Ang tagal tagal na nun pero kahapon pa ako nakapagsimula ng pag-answer.)
- I was disappointed. (Kasi I expected something pero hindi naman nangyari...)
- Ayaw kong magpagirl ng rampa sa Glam.(Nakakadiri kayang gawin 'yon, hindi pa naman girl na girl 'yung mga kilos ko...)
So 'wag mong ipagsasabi kahit kanino....
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento