intichat

Mga Taong Napadpad sa Dog House ni Poppe:

Huwebes, Disyembre 9, 2010

Dati-rati

"Matagal ko na ding nararamdaman ang bagay na ito...kaya lang di ko alam kung paano ito itapon."




Hindi ko na matandaan kung kailan 'to nagsimula, ang tanging naaalala ko ay iba na ang pagtingin ko sa kanya, ngunit sa pagdaan ng mga araw hindi ko lubos maisip kung paano tumibok ang puso ng ganun kabilis  nang muli ko siyang makita. Hindi na ako makatitig sa mga mata niya na dati ko namang ginagawa noon.

Dati-rati kapag hinahawakan niya ang kamay ko parang wala, tapos ngayon it's not the same, parang may kakaibang sayang dulot 'yun sa akin. Parang hindi ko na gustong bitawan niya ang mga kamay ko. Pero alam ko kailangan niyang gawin 'yun, sapagkat alam ko na hindi ang pagkakahawak ng aming mga kamay ang magbibigay ng saya sa puso niya.

Pero hindi pa naman ako umiyak o kaya'y naghehysterical kapag nakikita kong masaya siya sa piling ni girl...(over girl talaga? showbiz?) Hindi naman ako ganung klase ng tao, siguro magkakaganun lang ako pagdating sa school lalung-lalo na pag hindi ko nagawa ng tama ang mga bagay-bagay, pero sa feelings ko 'to hindi naman!

Masaya rin naman ako pag kasama niya 'yung tunay niyang mahal(denial), 'yun lang siguro ang hindi nagbago. Pero hopeful parin ang puso ko na balang araw hindi na ako masasaktan gaya ng nararamdaman ko ngayon, although I know for the fact that there's a less possibility for him to notice me, the way I notice him.(chaka na! English na si mare! wohoo!).


Hirap ding magtago ng feelings ha? Hirap sabihin niya sa kanya ng harapan. Kaya nga sa blogger ko pinapalabas lahat ng nararamdaman ko kasi mas tago sa kanya. Walang siyang clue sa feelings ko pag sa blog ko nilagay lahat. Sa ngayon alam ko na masyado pa kong bata para maramdaman ang sinasabi nilang true love, pero magkaganun man, iniaalay ko sa kanya ang awiting nasa video sa taas...ang title nga pala niyan ay "SOMEONE LIKE YOU" by Andrea Ross...sana ma-enjoy niyo rin....para yan sa mga taong naghinhintay...:)

Walang komento: