Isang araw magiging palaka ka na,
Kasi isang araw siya nalang ang focus mo...
Isang araw sasaya ka rin,
Kasi isang araw babalik sa dati ang lahat...
Isang araw hindi kana mag-iisa,
Kasi isang araw kahawak mo na ang kamay niya...
Isang araw hindi ka na iiyak,
Kasi isang araw ang taong nagpaiyak sa'yo, ay siya ring titigil sa pagpatak ng luha mo...
Isang araw may lakas ka nang harapin ang buhay,
Kasi isang araw hindi ka na matatakot dahil kasama mo na siya...
Isang araw wala na akong lungkot na makikita sa mga mata mo,
Kasi isang araw papalitan niya na 'yon ng saya...
Isang araw aalis ka na sa malungkot mong mundo,
Kasi isang araw lilipat ka na sa masayang mundong gagawin niyo...
Isang araw.....Isang araw...Isang araw...Isang araw...Isang araw...Isang araw....Isang araw...
Mga pitong isang araw...
Mawawalan na tayong dalawa ng chance...
at mawawalan na ako ng pag-asang magmahal muli.
Paano pa nga ba mangyayari 'yon?
Kung basag na basag na ang puso kong lihim mong inaapakan habang pumapatak sa mga mata mo ang mga luhang ang dahilan ay 'di ako.
Sana nga lang..
Isang araw di na lang kayo..
Isang araw makita mo rin ako at ang lahat ng ginagawa ko para lagyan ng kahit konting ngiti ang mga labi.
Teka, selfishness ba 'yon?
^^
Kung pwede lang sanang burahin ang pangalan niya sa kapalaran mo at ipalit ang pangalan ko. Kaso permanent tattoo na ang pangalan niya, hindi henna tattoo na temporary.
Kung kaya ko lang sanang sabihin sa'yo...
Para isang araw Ikaw rin at ako...
Kung hindi ka lang sana manhid. Diba nga ACTION SPEAKS LOUDER THAN WORDS?
May anesthesia ka ata eh.
Cellphone ka ba?
Kasi sim ako...na naDISCARD mo...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento