intichat

Mga Taong Napadpad sa Dog House ni Poppe:

Martes, Agosto 30, 2011

Simple. Ordinaryo. Di-Kumplikado

Hindi ako yung tipo ng tao na maraming arte sa katawan. Simple lang ako, wala make-up, di mahilig sa lipstick, lip gloss o kahit na damit na pambabae. Pero babae ako sureness yun, di ako baklush at di ako tomboy...basta babae ako at gusto ko na ituring akong lalaki ng mga nakapaligid sa akin.

Pag sinabi kasing babae naiisip ko agad ang salitang "MAHINA", no offense, pero yun talaga ang tingin ko sa mga babae, pero babae ako na ayaw maging mahina. Pero kahit nagtitigas-tigasan man ako, hindi parin maiwasang mahulog ang loob ko sa mga taong sobrang malambing, yung tipong parang pusa sa sobrang lambing at parang parents kung mag-alala.

OO na, inlababo ang aso. Ewan ko ba pero bigla na lang tumama ang pana ni kupido sa puso ko at ewan ko kung bakit nangyari yun.

Sa simula kasi nun wala naman talaga akong nararamdaman sa taong 'yun, pero malambing siya sobra...as in supeerrrrrrrr lambing niya. Pero nung mga panahong yun wala talaga akong keber sa kalambingan niya hanggang sa ako ang napagtripan ng unggoy... Sabi ko pa nga nun sa sarili ko na ayos lang siguro kung sakyan ko ang trip ng unggoy na'to, and im sure naman na I won't fall for him...may pa-sure2 epek pa ako nun dahil nga hindi siya yung tipo kong lalaki.

Hanggang sa pagdaan ng mga araw, yun na parang hinahanap-hanap ko na yung kalambingan niya at parang hindi na kumpleto ang araw ko pag wala siya. Hindi ko na mapigilan ang mapangiti pag naaalala ko yung mga moments na kasama ko siya...(ehem, teka nga parang girl na girl yung word na  "moments")

At yun na, nasanay na ako na laging nandiyan siya, kasi naman sinanay niya ako. Mga ilang buwan din ang tinagal ng trip ng unggoy, at sa mga araw na kasama ko siya talagang iba na ang nararamdaman ko, para bang mahal ko na siya...(aw? ano ba tong pinagsasasabi ko?)

Naks naman, sa sobrang sweet niya nahulog ako sa bitag niya. Pero ang ending----- tragic. Hmmm sa sobrang pagkasanay ko sa kalambingan niya, nun biglaan niyang tinigil ang trip niya, nanlumo ako...naiyak at nagalit sa sarili ko..

Kasalan ko kasi ang lahat bakit masakit ang loob ko ngayon, kung bakit ako nagsesenti sa isang taong hindi naman worthy...(awts, ang harsh ko...hehehe)....At saka base on his background, hindi ako yung tipo niyang babae...(naks, pihikan ang nggoy..)

Oo na di na ako pasok sa standards niya...sino ba naman ako diba? si Ms. Jersey, Ms. Sleeping Beauty, Ms. Ballpen, Ms. Jogging Pants...haiee...naku!...ang dami kong kapintasan no..hmf....kasalan ko bang mabuhay ng simple at payak?...(parehas lang ata yun....hehehe)

Kasalan ko bang mahilig ako sa jersey? o kayay matulog sa klase? at magngatngat ng takip ng ballpen? at magsuot ng Jogging pants tuwing miyerkules? eto ako eh.. hindi ako yung tipo ng babaeng mahilig sa sleeveless o kayay sexy skirt...haiie nako...galit ba ako?? ahahahaha...nakakatawa na nakakasakit ng damdamin, di ko kasi kayang gawin ang magpakababae....I am what I am...

Pero kahit di man ako ang tipo niya...ayos lang...what's important is that I loved....and it's okay if he's not going to respond, hindi naman niya alam eh, manhid kasi...hahaha

Sa tingin ko sa lahat ng brokenhearted ako lang ata ang masaya...hahaha...nakakatuwa...

at eto ang dahilan bakit "ORDINARY SONG" ang music sa blog ko ngayon...

P.S.
Para sa UNGGOY na 'yon ang post kong ito....kung mabasa niya okay lang wala naman siyang idea na siya ang gusto kong tamaan...kung hindi mas okey....^_^


Huwebes, Agosto 25, 2011

wala lang

Nitong mga nakaraang araw wala talaga akong maisip isulat,....dumaan na ang napakaraming araw at hindi parin nakakapost ng bago sa blog ko...

Nitong mga nakaraang araw kasi masyado akong busy sa buhay. Naiisip ko tuloy para na akong artista sa hectic na schedules ko.. o tingin ko lang talaga hectic. Ngayon kasi second year college na ako at napakarami pala talagang requirements pag nasa college ka na. Kailangang gumawa ng thesis na ni minsan ay hindi ko ginawa at sobrang hirap pala talaga, lalung-lalo na at maraming temptations sa paligid. May facebook, twitter, , blogspot, movies at kung anek-anek pang nagkalat sa internet, wala tuloy ibang bagay na pumapasok sa utak ko na pwede kong ilagay sa thesis ko.

tapos kailangan ko ring tandaan ang mga formula sa physics para makasagot sa quizzes namen, nitong midterm kasi nakakuha ako ng 3.0...haie naku masyadong bagsak, palatandaan na hindi ako nag-aaral ng mabuti. Kasi naman puro mga pangyayari sa mga koreanovelas at movies ang laman ng utak ko, at worst natutulog ako sa klase namen.

minsan nga nahuli ako ng guro namen sa major subject ko na natutulog, sabi niya agad sa kin..."HOY ano bakit nag-i-sleeping beauty ka na diyan?"....

Naku naman nakakahiya talaga 'yon lalung-lao na nung narealize ko na nakabuka pala ang bibig ko habang natutulog. YUCKS! nakakadiri, naisip ko tuloy kung gaano kapangit ang itsura ko habang natutulog, buti nalang di tumulo ang laway ko....nako nakakahiya talaga. ang hilig ko kasing mangarap ng gising na ako ang magiging highest sa quiz namin kaso hindi ko na namamalayan nakatulog na pala ako.

ngayong gabi nga kailangan ko pang tapusin ang thesis ko, kaso bigla kong naisipang mag-update na ng blog ko, gumawa na rin kasi ang mga classmates ko ng blog at lageh na silang nag-a-update kaya ganun naisipan kong maging aktibo muli sa blogosphere.

Hanggang dito na lang ako...sa susunod na post na ako magdadadaldal tungkol sa buhay ko kailangan ko na kasi talagang matapos ang thesis ko....sige...

header ko nga pala..

add niyo rin pala ako sa facebook...: https://www.facebook.com/SiyaPer143

maraming salamat, hanggang sa susunod ulit.... ^_^