intichat

Mga Taong Napadpad sa Dog House ni Poppe:

Martes, Agosto 30, 2011

Simple. Ordinaryo. Di-Kumplikado

Hindi ako yung tipo ng tao na maraming arte sa katawan. Simple lang ako, wala make-up, di mahilig sa lipstick, lip gloss o kahit na damit na pambabae. Pero babae ako sureness yun, di ako baklush at di ako tomboy...basta babae ako at gusto ko na ituring akong lalaki ng mga nakapaligid sa akin.

Pag sinabi kasing babae naiisip ko agad ang salitang "MAHINA", no offense, pero yun talaga ang tingin ko sa mga babae, pero babae ako na ayaw maging mahina. Pero kahit nagtitigas-tigasan man ako, hindi parin maiwasang mahulog ang loob ko sa mga taong sobrang malambing, yung tipong parang pusa sa sobrang lambing at parang parents kung mag-alala.

OO na, inlababo ang aso. Ewan ko ba pero bigla na lang tumama ang pana ni kupido sa puso ko at ewan ko kung bakit nangyari yun.

Sa simula kasi nun wala naman talaga akong nararamdaman sa taong 'yun, pero malambing siya sobra...as in supeerrrrrrrr lambing niya. Pero nung mga panahong yun wala talaga akong keber sa kalambingan niya hanggang sa ako ang napagtripan ng unggoy... Sabi ko pa nga nun sa sarili ko na ayos lang siguro kung sakyan ko ang trip ng unggoy na'to, and im sure naman na I won't fall for him...may pa-sure2 epek pa ako nun dahil nga hindi siya yung tipo kong lalaki.

Hanggang sa pagdaan ng mga araw, yun na parang hinahanap-hanap ko na yung kalambingan niya at parang hindi na kumpleto ang araw ko pag wala siya. Hindi ko na mapigilan ang mapangiti pag naaalala ko yung mga moments na kasama ko siya...(ehem, teka nga parang girl na girl yung word na  "moments")

At yun na, nasanay na ako na laging nandiyan siya, kasi naman sinanay niya ako. Mga ilang buwan din ang tinagal ng trip ng unggoy, at sa mga araw na kasama ko siya talagang iba na ang nararamdaman ko, para bang mahal ko na siya...(aw? ano ba tong pinagsasasabi ko?)

Naks naman, sa sobrang sweet niya nahulog ako sa bitag niya. Pero ang ending----- tragic. Hmmm sa sobrang pagkasanay ko sa kalambingan niya, nun biglaan niyang tinigil ang trip niya, nanlumo ako...naiyak at nagalit sa sarili ko..

Kasalan ko kasi ang lahat bakit masakit ang loob ko ngayon, kung bakit ako nagsesenti sa isang taong hindi naman worthy...(awts, ang harsh ko...hehehe)....At saka base on his background, hindi ako yung tipo niyang babae...(naks, pihikan ang nggoy..)

Oo na di na ako pasok sa standards niya...sino ba naman ako diba? si Ms. Jersey, Ms. Sleeping Beauty, Ms. Ballpen, Ms. Jogging Pants...haiee...naku!...ang dami kong kapintasan no..hmf....kasalan ko bang mabuhay ng simple at payak?...(parehas lang ata yun....hehehe)

Kasalan ko bang mahilig ako sa jersey? o kayay matulog sa klase? at magngatngat ng takip ng ballpen? at magsuot ng Jogging pants tuwing miyerkules? eto ako eh.. hindi ako yung tipo ng babaeng mahilig sa sleeveless o kayay sexy skirt...haiie nako...galit ba ako?? ahahahaha...nakakatawa na nakakasakit ng damdamin, di ko kasi kayang gawin ang magpakababae....I am what I am...

Pero kahit di man ako ang tipo niya...ayos lang...what's important is that I loved....and it's okay if he's not going to respond, hindi naman niya alam eh, manhid kasi...hahaha

Sa tingin ko sa lahat ng brokenhearted ako lang ata ang masaya...hahaha...nakakatuwa...

at eto ang dahilan bakit "ORDINARY SONG" ang music sa blog ko ngayon...

P.S.
Para sa UNGGOY na 'yon ang post kong ito....kung mabasa niya okay lang wala naman siyang idea na siya ang gusto kong tamaan...kung hindi mas okey....^_^


Huwebes, Agosto 25, 2011

wala lang

Nitong mga nakaraang araw wala talaga akong maisip isulat,....dumaan na ang napakaraming araw at hindi parin nakakapost ng bago sa blog ko...

Nitong mga nakaraang araw kasi masyado akong busy sa buhay. Naiisip ko tuloy para na akong artista sa hectic na schedules ko.. o tingin ko lang talaga hectic. Ngayon kasi second year college na ako at napakarami pala talagang requirements pag nasa college ka na. Kailangang gumawa ng thesis na ni minsan ay hindi ko ginawa at sobrang hirap pala talaga, lalung-lalo na at maraming temptations sa paligid. May facebook, twitter, , blogspot, movies at kung anek-anek pang nagkalat sa internet, wala tuloy ibang bagay na pumapasok sa utak ko na pwede kong ilagay sa thesis ko.

tapos kailangan ko ring tandaan ang mga formula sa physics para makasagot sa quizzes namen, nitong midterm kasi nakakuha ako ng 3.0...haie naku masyadong bagsak, palatandaan na hindi ako nag-aaral ng mabuti. Kasi naman puro mga pangyayari sa mga koreanovelas at movies ang laman ng utak ko, at worst natutulog ako sa klase namen.

minsan nga nahuli ako ng guro namen sa major subject ko na natutulog, sabi niya agad sa kin..."HOY ano bakit nag-i-sleeping beauty ka na diyan?"....

Naku naman nakakahiya talaga 'yon lalung-lao na nung narealize ko na nakabuka pala ang bibig ko habang natutulog. YUCKS! nakakadiri, naisip ko tuloy kung gaano kapangit ang itsura ko habang natutulog, buti nalang di tumulo ang laway ko....nako nakakahiya talaga. ang hilig ko kasing mangarap ng gising na ako ang magiging highest sa quiz namin kaso hindi ko na namamalayan nakatulog na pala ako.

ngayong gabi nga kailangan ko pang tapusin ang thesis ko, kaso bigla kong naisipang mag-update na ng blog ko, gumawa na rin kasi ang mga classmates ko ng blog at lageh na silang nag-a-update kaya ganun naisipan kong maging aktibo muli sa blogosphere.

Hanggang dito na lang ako...sa susunod na post na ako magdadadaldal tungkol sa buhay ko kailangan ko na kasi talagang matapos ang thesis ko....sige...

header ko nga pala..

add niyo rin pala ako sa facebook...: https://www.facebook.com/SiyaPer143

maraming salamat, hanggang sa susunod ulit.... ^_^

Huwebes, Hunyo 23, 2011

the ComeBack?????

After some time of being quiet, at last! nakapost na ulit ako sa Blog ko....matagal-tagal din akong nawala at neh lay-out ng blog ko di ko na naasikaso. Pero anyway, pansin niyo? bago na lay-out ko!!! hahahahaha...wala lang...baka kasi di niyo napansin...masyadong pinkaposh ang kulay...naisip ko kasi na mas maganda na 'yong minsan lagyan ng samu't saring kulay ang blog ko. Yung last lay-out

Martes, Marso 8, 2011

Anong Reaction mo?

I first saw this video sa TV Patrol sa mga Kwento ni Marc Logan....at super natawa talaga ako sa reaction ng bata 'tong..talagang oooovvvvvveeerrrrrrrrr at bagay na bagay sa kanya ang maging Youtube Sensation..

Nakakatawa kasi para siyang nag-audition sa SCQ sa pinaggagagawa niya...hahahaha...

ito o, panoorin niyo ng matawa kayo:



Actually, nang mapanood ko ang episode na iyon ng Mara Clara sa internet naiyak din ako..

Linggo, Pebrero 13, 2011

Single ako kasi....





Maraming tao sa mundo ang single..kaso karamihan din sa kanila ay desperada o desperado ng magkaroon ng lovey dovey..which pushes them to do things like chatting, dating, eyeball at kung anek-anek pang bagay para lang makasettle down at tuparin ang utos ng Diyos sa kanila na magparami..or gusto lang nilang sumaya sa buhay.....

Huwebes, Pebrero 10, 2011

NONSENSE II

I just thought that sleeping would help to efface the pain that's stabbing my heart...



I wish that today the rain would fall down from heaven so that I will feel that even if nobody can see me cry at least I know that heaven sees how my heart feels and that it will send the rain to make me feel that God's Love is falling for me....



I don't understand by now but I just hated this feeling, I hate to feel pain and disappointment. Many says this is just a part of growing up. Every teenager undergoes this stage...



I feel like I am in a mental hospital..it seems like my environment is enjoying their time and they have no idea of what I'm going through..but i'm not saying that the people around me are fools....

Nonsense

"AYaw ko na talagang umulit!!!!""

Maraming beses ko na 'tong sinasabi pero hanggang ngayon ganun parin ang nangyayari...

Huhaiex..ayaw ko na pero bumabalik na naman tapos ayaw ko tapos bumabalik ulit...


Ewan ko....... 

huhuhuhuhuhu..iniyakan ko na to dati...pero wala paring nangyari..akala ko madadala lang yon ng mga luha ko pero walang nagyari!!!!!!!!!


huhuhuhu

Sabado, Enero 8, 2011

Minute Maid Pulpy’s “Pulp up your blog”





I just drank a bottle of Minute Maid Pulpy. They say it’s got ‘no preservatives added’. Aw, c’mon…It’s bottled juice. Is that even possible? So I thought maybe... they were just joking about it. Maybe they are just doing it for people to think that their product is healthy.

I didn’t believe it the first time I heard it’s got no preservatives added.  So I read the ingredients (even the fine print) and everything checked out! It really has NO PRESERVATIVES ADDED!  That means it doesn’t have ingredients that may turn out to be allergens, or worse...carcinogens!  Whew! Now that’s healthy goodness that tastes so good, I... was fascinated and was very overwhelmed by it. For the first of my life I never thought that there will be one product in the whole worldwide..and even in the universe that will exist without any preservatives added... was in deep thought how could this drink last long?

So okay, it’s got no preservatives added. That’s really good, right?  Not just because it doesn’t have those icky, harmful ingredients, but it also means... that I should not worry about my health..cause I know that with this drink no super icky wicky yucky things would enter my body that could be the cause of my early death..:)

So far anyone who still has a hard time believing that Minute Maid has got no preservatives added - meaning it's THAT natural, it's almost like it's plucked straight from the tree, it's just as Mother Nature wanted your orange juice to be, it's got nothing but the good stuff yes, none of those potentially toxic stuff that can harm your brain, kidneys, heart; cause tumors aargh- the list of preservatives' bad effects just go on!!! Anyway, just to prove a point on just how good Minute Maid Pulpy is 'cause it's got NO PRESERVATIVES ADDED, I'm gonna suggest that you also buy one and read its label..and you'll see for yourself that preservatives is not in the vocabulary of those who created this one...

Feels good to know about the real pulpy deal, right? C’mon show me a smile on the comment box, and you might win yourself a Really Pulpy Deal! (That’s a chance to win a Minute Maid gift pack simply by commenting. Sweet! C'mon you just might be picked as the lucky 'commentor'!)

Love,

Poppe Bowow....
_________________________


Miyerkules, Enero 5, 2011

Alam niyo ba?

"May nakakatawang bagay akong nalamaan tungkol sa ating Pambansang Bayani at sa pangmundong lakwachera character?...."

DoRizal



Alam niyo bang apat na araw ding nagkasama si Dr. Jose Rizal at si Dora the Explorer (May 13-May 16, 1887)?

Nakakatuwa mang isipin pero totoo ito....hahahaha

Gusto niyo ng proof?

Ayon sa Jose Rizal-Life, Works and Writings of a Genius Writer, Scientist and National Hero(Second Edition)  ni Gregorio F. Zaide pahina 106...

               " .....The professor's wife Rosa, was a good cook, and she prepared special Austrian dishes which Rizal liked very much. His(Blumentritt) children were Dolores (called Dora or Dorita by Rizal), Conrad and Fritz."

See? Si Dora pala ay anak ni Blumentritt....at nagkasama pa sila ni Rizal....:))

Wala lang....Hahahahaha....

_________________________
as I promised sa mga friends ko na hindi ko na feature....


Salamat din po sa inyo!!!!!


http://veronizm.blogspot.com

veroniz

Monika Rivera

Thank You Lord...ha?







"Paggising natin tuwing umaga upang harapin ang bagong tuwa, lungkot at pagsubok ng buhay, ano ang una mong ginagawa?..."

Habang nanonood ako ng preaching sa isang channel, I was struck by what the preacher had said..."Kailan ba ang huling beses na nakapagpasalamat kayo sa Diyos paggising niyo sa umaga? sa araw na inyong nakikita? at sa gabi kailan ba kayo huling pumunta sa inyong balkonahe tumingala sa kalangitan at nagpasalamat sa Poon sa buwan na iyong nakikita?"


Napaisip ako...although nagpapasalamat ako araw-araw sa aking paggising ngunit hindi ko man lamang naisip ang mga maliliit na bagay na dapat ko rin palaang ipagpasalamat. At ito lahat 'yon.....
  1. Sa mga magulang na laging nandiyan para gisingin ako araw-araw para hindi ako malate sa school. (Maraming bata ang wala ng mga magulang.,...so dapat pala itreasure ang every moment na nandiyan sila....",)
  2. Sa hangin na aking ginagamit upang mabuhay...(Minsan kasi nakakalimutan na natin na mahalaga sa buhay ng tao ang hangin.....Thank You LOrd!!!)
  3. Sa bawat utos ni Mama na ipinapagawa niya sa akin pagkagising ko sa umaga..(at least diba sa lahat ng anak niya ang pangalan ko ang una niyang nababanggit..ang sweet♥.)
  4. Sa bawat sermon ni Papa tungkol sa katamaran namin...(wohoo!!! at least concern siya sa future namin..sweet pa din 'yun...♥)
  5. Sa tubig na ginagamit ko sa pag-inom at pagligo at sa paghuhugas araw-araw...(buti nalang walang sacrcity of water sa bahay...)
  6. Sa pagkain na nakikita ko sa hapag...(kasi ni minsan hindi ko nakita na walang nakahain sa mesa...)
  7. Sa paghatid sa amin ni Papa sa school...(kahit minsan may kasabay kaming sermon..)
  8. Sa mga kaibigan na over over ang pagJoke para sumaya ang atmosphere....
  9. Sa bawat ngiti na nakikita sa bawat taong nakakasalubong ko....
  10. Sa mata ko.
  11. Sa labi ko.
  12. Sa tenga ko.
  13. Sa ilong ko.
  14. Sa senses ko.
  15. Sa dila at stomach ko.
  16. Sa gana kong kumain.
  17. Sa lakas ng tawa ko.
  18. Sa kapal ng mukha ko...(paminsan-minsan..)
  19. Sa mga bagay na kaya kong gawin tulad ng pagsulat, pagbasa, pagsasalita, pag-awit, pagsayaw..(kahit 'di ako masyadong marunong...)
  20. Sa stored knowledge at mga answers ko sa surprise quizzes.
  21. Sa mga gamit ko sa skwela.
  22. Sa utak ko.
  23. Sa internal organs na nagfufunction....
  24. Sa mga taong napapangiti ng presence ko...:)
  25. Sa ate ko na masyadong matanda kung magsalita.
  26. Sa kapatid ko na masyadong makulit.
  27. Sa bestfriend ko na hindi mapagtaguan ng sekreto..(ayos lang....at least may bestfriend ako..)
  28. Sa love ni Lord na lagi kong napifeel through my existence.
  29. Sa mga problems and trials na kung minsan nagpapadapa sa akin.
  30. Sa mga problems na nasolve miraculously. 
  31. Sa libreng suka, toyo at ketchup sa karinderya..(na lagi kong ina-avail...)
  32. Sa higaan ko...
  33. Sa kumot.
  34. Sa unan.
  35. Sa kuwarto.
  36. Sa bahay.
  37. Sa damit.
  38. Sa mga kapitbahay.
  39. Sa mga strangers.
  40. Sa mga verses sa Bible na nakakacomfort sa akin.
  41. Sa mga nakikita kong tanawin.
  42. Sa asul na kalangitan.
  43. Sa kulay berdeng dahon ng mga tanim, damo at kung anu-ano....
  44. Sa lahat ng nag-eexist sa buhay ko....
at lastly sa face na'to na kahit 'di kagandahan eh at least naihaharap ko sa mga tao...:)

    Marami pa man akong pwedeng idagdag pero as I promised sa last post ko, may ipi-feature pa kasi ako...so pa'no ba 'yan kita nalang tayo ulit sa next post ko...:)




















    __________________________________________________________


    Special thanks to:

    http://mysticchamber.blogspot.com/ 

    Quib
                                                             


    http://leonrap.blogspot.com/

    Leonrap
                                                              
    http://nyabach0i.blogspot.com/

    Nyabachoi at ang super neat niyang blog

    http://akosiaris.blogspot.com/
    Aris

    http://nicaxandy.blogspot.com/
    Nica Xandy

                                                     


    ________________
    P.S. sa mga followers ko na hindi ko nafeature ngayon...next post ko na kayo ipifeature...

    Sorry..:)

    Sabado, Enero 1, 2011

    Bagong Taon: Bagung--

     
    "..ang year end post ko ay 'yung post ko sa mga nominees ko sa TABA 2010..at ang panimulang post ko as of this year ay ito...."



    Bagong Blog-Look:

      • Siyempre dahil bagong taon na, naisipan kong baguhin ang look ng blog ko, siguro quarterly kong gagawin 'to para hindi naman boring sa mata ng mga visitors sa Pugad ko....
      • As usual emo-look parin, kasi 'yun naman talaga dapat, it reflects my personality and character kasi, masyado akong emotera kaya dapat lang itim at parang  namatayan ang look ng blog.
      • Kung mapapansin niyo noong isang taon wala akong Blog Directory, ngayon meron na, natuto na kasi ako after some time of exploring other's blogs meron kasi silang kaechosan sa sidebar kaya nainggit ako at so ginaya ko.

      Bagong Blog Description:

        • Ang dating description ng blog ko ay "...feelings hidden on the unseen part of life" at ngayon ang ginawa kong description for the year 2011 ay "...reminiscing abandoned treasures" o diba? emo parin?..hahaha
        • I'll explain why reminiscing abandoned treasures ang bagong description---kasi ganito 'yan....wala lang, feel ko lang, tingin ko kasi panahon na para isulat ang mga bagay na nararamdaman ko na hindi pinapahalagahan ng ibang tao pero pinapahalagahan ko, I felt so abandoned so 'yun abandoned treasures...(hay! napaka-nonsense ko talaga...)

      Bagong Trip:

        • Kung dati ang trip ko ay mag-english ng todo-todo (on my recent posts, sa November)naisipan kong siguro maganda kung mag-bisaya rin ako paminsan-minsan.
        • Dati masyado akong isolated sa Blog ko sa it's time to get out of my comfort zone, panahon na para mag-explore at maglakbay sa iba't-ibang blog ng iba't-ibang tao sa mundo.
        • 'Di na ako masyadong mag-eemote(Napansin ko kasi masyado ng O.A., hahaha).
        • Manghihingi na ako ng suggestions sa iba sa mga ipopost ko...Ikaw baka may maisuggest ka...:)
        • I'll feature my new followers sa mga bago kong post..
      Bagong Goal:
        • Dumami ang friends ko sa FB at umabot sa 5000 ngayong June.
        • Dumami din ang followers ko sa Blog ko ng hindi magmukhang abandonado ang blog ko(talagang fit na fit na ang description kung magkaganun).
        • Hikayatin ang aking mga kaklase na magsulat at maging active sa blogosphere.(Siyempre kailangan maghanap ako ng pain..siguro dapat sabihin ko yayaman sila sa blogging...at pag tinanong nila ako kung yumaman ba ako, ang isasagot ko sa kanila ay MALAPIT NA! hahaha)
        • Magkaroon ng 100 post o higit pa by September 3, 2011.
        • Hikayatin ang ate ko na trabahuhin na lahat ng gawain niya ng hindi na siya mag-worry habang nag-eedit ng template ng Blogger niya at hindi na ako i-block.
        • Sana maging Dean's Lister ako kahit 'di ako matalino. I swear mag-aaral na ako. (pagkatapos kong magBlogspot.)

      Ngayong bagong taon naisip ko siguro dapat hindi na ako gumawa ng New Year's Resolution, kasi valid for one day lang always ang resolution ko, kiinabukasan napapagod na ako. Wish ko ring tumaas kahit hindi ako nagising kaninang 12 midnight at tumalon-talon. 

      Sa tingin ko masyado na akong lihis sa title ng post ko...hahaha,,..pero magkaganun man ito lang ang masasabi ko sa inyong lahat:

      Happy New Year!!!

      Salamat sa panahon niyo sa pagbasa sa walang kwenta kong post..:)




      ______________________________________________________________

      Featured New Follower:


      http://kamilkshake.blogspot.com/

      Thanks For Following!!!!